[轉載][東方]他加祿語(菲律賓語)翻唱版Bad Apple(壞蘋果) 吉...

歌詞:
Kahit sa paglipas ng oras, tignan nyo
Walang pakialam ang tao sa pag-ikot ng mundo
At ang puso ko ay nawalay, ‘di ko na
Makita ang daan, totoo nga ba ito?
Kahit na hindi na kumilos, pagkatao
Ko’y naghihintay, bawat araw, bawat oras kaya
‘Di ko na alam ang pag-ikot ng mundo
Ang pagkatao ko’y ‘di magbabago
Panaginip nga lang ba ang aking nakikita?
Nawalan na ng saysay ang aking pagsalita
Nagsasawa na ako sa aking pag-iisa
Ang nais ko lang naman-manhid na kalooban
‘Pag nagsalita ba’ko, kahit nakakalito
‘Di pa rin madarama ang puso kong nawala
Kung ako’y kikilos, kung ako’y magbabago,
Babalik lang ang lahat sa PAGKADILIM nito
Pagkatao ko ba ay hanggang bukas pa buhay?
Totoo nga ba’ng ako’y nabubuhay sa mundo?
Ako ba’y nasaktan niyo? Malungkot? Litong-lito?
Sa ngayon ay ‘di pa rin kilala ang sarili ko
At sa’king paglalakbay, nagsasawa na ako
Paanong bibigyan pansin ang ibang mga tao?
Kung ang pagkatao ko’y bigla nang magbabago,
Kung ako’y magbabago, sa LIWANAG ba ako?
Kahit sa paglipas ng oras, tignan nyo
Walang pakialam ang tao sa pag-ikot ng mundo
At ang puso ko ay nawalay, ‘di ko na
Makita ang daan, totoo nga ba ito?
Kahit na hindi na kumilos, pagkatao
Ko’y naghihintay, bawat araw, bawat oras kaya
‘Di ko na alam ang pag-ikot ng mundo
Ang pagkatao ko’y ‘di magbabago
Panaginip nga lang ba ang aking nakikita?
Nawalan na ng saysay ang aking pagsalita
Nagsasawa na ako sa aking pag-iisa
Ang nais ko lang naman-manhid na kalooban
‘Pag nagsalita ba’ko, kahit nakakalito
‘Di pa rin madarama ang puso kong nawala
Kung ako’y kikilos, kung ako’y magbabago,
Babalik lang ang lahat sa PAGKADILIM nito
Kung ako ay gagalaw, kung ako ay kikilos
Masisira ang lahat, sisirain ang lahat,
Kung ako’y malulungkot, kung ako’y malulumbay
May pag-asa pa ba na bumalik ang LIWANAG?
Tungkol ba ito sa’yo? Tungkol ba ito sa’kin?
Tungkol sa buong mundo-ano ba ang alam ko?
Kung sa katapusan ay bubuksan na ang mata,
Hindi na’ko tutugon, hahayaang MAGDILIM!